dzme1530.ph

DATING CONG. ZALDY CO, NAGTUNGO SA STOCKHOLM, SWEDEN

Loading

Nagtungo sa Stockholm, Sweden ang puganteng si dating Cong. Zaldy Co. 

 

Batay ito sa dokumentong isinumite ng kampo ng Kongresista sa Korte Suprema. 

 

Lumitaw sa National Certification na pirmado ng notary public na si Beatrice Gustafsson na humarap sa kanya si Co noong January 15.

 

Nakasaad sa dokumento na tiniyak pa ng notary public na mismong si Co ang humarap sa kanya at lumagda sa dokumento.

 

Taliwas ito sa pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na namataan ang dating mambabatas sa Lisbon, Portugal.

About The Author