dzme1530.ph

Leyte Rep. Romualdez, Tingog Party-list, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda

Loading

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ni Leyte Representative Martin Romualdez at ng Tingog Party-list sa mga komunidad sa Eastern Visayas na sinalanta ng bagyong Uwan.

Hindi naging madali para sa mga tauhan ni Romualdez at sa mga volunteer ng Tingog Party-list ang paghahatid ng relief goods sa Catarman, Northern Samar, dahil sa mga pinsalang iniwan ng bagyo.

Humingi pa ng tulong sa Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang grupo upang maihatid ang mga relief packs na naglalaman ng bigas, instant cereal drink, instant noodles, sardinas, kape, biskwit, kumot, at timba.

Nagpasalamat naman si Governor Edwin Ongchuan sa ipinakitang malasakit ni Romualdez at ng Tingog Party-list.

Bago pa man manalasa ang super typhoon Uwan, namahagi na rin ng tulong si Romualdez at ang Tingog sa mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, at Samar, na unang tinamaan ng bagyong Tino.

About The Author