dzme1530.ph

Psychosocial well-being ng mga bata, prayoridad ng DSWD

Loading

Prayoridad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang psychosocial well-being ng mga bata sa mga evacuation center sa gitna ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao, nakapagsagawa na ng recreational activities ang DSWD Calabarzon Field Office sa Mauban, Quezon nitong Lunes.

Isinagawa ang aktibidad sa municipal gymnasium na pansamantalang tinutuluyan ng mga biktima ng super typhoon Uwan.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata na makapaglaro, makisalamuha, at maipahayag ang kanilang nararamdaman.

Dagdag ni Dumlao, kasinghalaga ito ng pamamahagi ng pagkain at ligtas na matutuluyan sa gitna ng kalamidad.