dzme1530.ph

Bilang ng naiulat na namatay sa Bagyong Uwan, umakyat na sa 18

Loading

Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi matapos tumama sa bansa ang Super Typhoon Uwan.

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, ipinahayag ni OCD Asec. Rafaelito Bernardo IV na umabot na sa 18 katao ang namatay dahil sa bagyo.

Batay sa datos:

  • 3 mula sa Region 2
  • 12 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR)
  • 1 bawat isa mula sa Region 5, 6, at 8

Ayon kay Alejandro, ilan sa mga sanhi ng pagkamatay ng biktima ay landslide, pagkalunod, at pagkaka-kuryente.

Naitala rin ang 28 nasugatan at 2 nawawala.

Umabot na sa 2.4 milyong katao o katumbas ng 653,000 pamilya ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Patuloy naman ang pamahalaan sa pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.

About The Author