dzme1530.ph

Produksyon ng palay, lumago ng higit 12% sa ikatlong quarter ng 2025

Loading

Lumobo ng 12.6% ang produksyon ng palay sa ikatlong quarter ng 2025 sa 3.75 million metric tons, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakatulong sa pagtaas ng produksyon ang 15.7% na paglawak ng mga lupang tinamnan ng palay.

Gayunman, mas mababa pa rin ito sa adjusted estimate ng PSA na 3.93 million metric tons na inilabas noong nakaraang buwan.

Nanguna ang Cagayan Valley bilang top producer ng palay na may 499,700 metric tons o 13.3% ng kabuuang produksyon.

Sinundan ito ng Western Visayas, na nakapagtala ng 489,640 metric tons o 13.1%, at ng Central Luzon na may 385,100 metric tons o 10.3%.

About The Author