dzme1530.ph

House Speaker Dy, nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Tino

Loading

Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at labis na napinsala ng bagyong Tino.

Sa isang mensahe, sinabi ni Dy na kasama ang buong Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkilos upang makapaghatid ng agarang tulong sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo.

Kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang distrito mula sa mga apektadong probinsya, sinabi ni Dy na nakikipag-ugnayan na sila sa DSWD at iba pang sangay ng pamahalaan para sa madaliang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

Inihahanda na rin umano ng Kamara ang kaukulang pondo at suporta sa mga programang makatutulong sa mabilis na rehabilitasyon at pagbangon ng kabuhayan na nawasak ng bagyo.

Dagdag pa ng House Speaker, hindi nag-iisa ang mga pamilyang nawalan ng tahanan, dahil may gobyernong kumikilos upang matulungan silang makabangon.

About The Author