dzme1530.ph

DPWH chief, pinabibilisan ang pagkukumpuni ng mga pasilidad na nasira ng lindol sa Davao

Loading

Pinabibilisan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang isinasagawang pagkukumpuni sa mga mahahalagang imprastraktura sa Davao Oriental na nasira ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa lalawigan noong Oktubre.

Binigyang-diin ni Dizon na mahalagang matapos agad ang pagkukumpuni sa mga pasilidad upang maipagpatuloy ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo, kabilang ang pagtugon sa mga kalamidad at emergency.

Ininspeksyon din ng DPWH chief ang restoration at repair works sa Evaristo Moralizon National Vocational High School, Manay Municipal Hall, at Davao Oriental Provincial Hospital sa bayan ng Cateel.

About The Author