![]()
Muling binigyang-diin ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pangangailangang maisabatas ang panukalang pagbuo ng Independent People’s Commission (IPC) na magsisiyasat sa lahat ng proyekto ng gobyerno.
Ito ay kasunod ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa constitutionality ng Executive Order na bumuo sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sinabi ni Sotto na remedial measure lamang ang pagbuo ng ICI upang agad nang maimbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.
Binigyang-diin ng Senate leader na mahalagang maisulong ang Senate Bill 1215 upang magkaroon ng isang kumisyon na may mas matibay at matatag na kapangyarihan sa pagsusulong ng pananagutan sa mga sangkot sa iregularidad at anomalya.
Kinumpirma naman ni Sotto na malalaman pa niya ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa kanyang hiling na sertipikahang urgent ang panukala upang mapabilis ang pagsasabatas nito.
