![]()
Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani, kahapon, All Souls’ Day.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kasama ng Pangulo na nagtungo sa sementeryo sa Taguig City ang kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Agad dinalaw ng Punong Ehekutibo ang puntod ng kanyang ama pagkatapos dumalo sa 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Sa kanyang All Saints’ Day at All Souls’ Day message, sinabi ng Punong Ehekutibo na kaisa ito ng mga Pilipino sa pag-aalay ng malalim na respeto sa mga namayapang mahal sa buhay sa pamamagitan ng taimtim at makabuluhang paggunita sa Undas.
