Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang isang pasaherong dumating mula Shanghai, China.
Batay sa impormasyon, kabilang sa Alert List Order ng Immigration ang naturang pasahero matapos matuklasang may nakabinbing warrant of arrest laban sa kanya.
Ang nasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court ng Imus City, Cavite kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station 1 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposition.
Nagtakda naman ang korte ng ₱180,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.