dzme1530.ph

Sen. Lacson, hindi patitinag sa imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects

Loading

Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” Lacson na wala silang tinatarget, pinagtatakpan, o inililigtas sa imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Giit ni Lacson, hindi siya magpapapigil sa pagtukoy ng mga posibleng sangkot sa kontrobersyal na proyekto, kahit pa masakit para sa kanya na marinig ang pangalan ng ilan sa kanyang mga kapwa senador.

Bilang chairman ng komite, muling iginiit ni Lacson na susundan lamang nila ang mga ebidensiyang lumalabas sa mga pagdinig.

Una nang iginiit ni Senador Chiz Escudero na ginagamit na “fall guys” ang ilang senador habang pinoprotektahan ang mga kongresista na sangkot umano sa iregularidad.

Samantala, kinuwestyon naman ni Senador Rodante Marcoleta ang paraan ng paghawak ni Lacson sa imbestigasyon na aniya’y nagdudulot na rin aniya ng gulo sa kanilang mga senador.

About The Author