dzme1530.ph

PH Judiciary at Federal Court of Australia, nagkasama sa Knowledge Exchange –SC

Loading

Nagtapos noong Setyembre 25 ang dalawang araw na Knowledge Exchange sa pagitan ng Korte Suprema ng Pilipinas at Federal Court of Australia, na ginanap sa Philippine Judicial Academy Auditorium sa Tagaytay City.

Pinangunahan nina Acting Chief Justice Marvic Leonen at Associate Justice Maria Filomena Singh ang delegasyon ng Pilipinas, habang pinamunuan naman ni Chief Justice Debra Sue Mortimer ang panig ng Australia.

Tinalakay sa pulong ang mga isyung may kaugnayan sa native titles at admiralty law.

Bahagi ito ng isang linggong pagbisita ng Federal Court of Australia sa bansa, alinsunod sa 2024 Memorandum of Understanding na layong palakasin ang ugnayang panghudikatura ng dalawang bansa.

About The Author