dzme1530.ph

Halos ₱9M halaga ng iligal na droga mula sa mga hindi kinuhang parcel, nasabat ng Customs

Loading

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong unclaimed parcels na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng ₱8.8 milyon sa isang warehouse sa Pasay City.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, idineklara ang mga naturang parcel bilang electronic equipment at garments ay naharang sa x-ray screening at isinailalim din sa K-9 sweeping.

Sa isinagawang physical inspection, natuklasang naglalaman ang isang parcel ng 992 gramo ng shabu, habang ang dalawa pang parcels ay may kabuuang 1,936 gramo ng high-grade marijuana o kush.

Kasunod nito, isinailalim na sa kustodiya ng BOC-NAIA ang mga kontrabando habang hinihintay ang confirmatory laboratory testing at karagdagang imbestigasyon.

About The Author