Kumbinsido si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may mas mataas pang opisyal sa likod ng tinaguriang “BGC Boys” o Bulacan Group of Contractors na sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Aniya, hindi rin kapani-paniwala ang patuloy na pagtanggi ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara na may kinalaman siya sa mga ghost projects.
Giit ni Sotto, dapat papanagutin ang lahat ng miyembro ng “BGC Boys” dahil malinaw na may pananagutan sila sa katiwalian sa mga proyekto ng DPWH.
Kinumpirma rin ni Sotto na ipatatawag ni Justice Sec.Boying Remulla ang mag-asawang kontraktor na sina Pacifico at Sarah Discaya, gayundin si Sally Santos, kaugnay ng paglalagay sa kanila sa Witness Protection Program (WPP).
Dagdag pa nito, dapat munang mailahad ng tatlo ang lahat ng impormasyon na hawak nila bago sila tuluyang maisailalim sa proteksyon ng DOJ.