dzme1530.ph

Engr. Jaypee Mendoza, binigyan ng legislative immunity

Loading

Binigyan ng Senate Blue Ribbon Committee ng legislative immunity si dating DPWH Bulacan 1st District Construction Division Chief Engr. Jaypee Mendoza.

Ito ay batay na rin sa kahilingan ni Mendoza na siya ring nag-ugnay kay Senador Joel Villanueva kaugnay sa paghingi ng proyekto kay dating DPWH Secretary Manny Bonoan.

Gayunman, pinaalalahanan siya ni Committee Chairman Sen. Panfilo Lacson na ang ipinagkaloob na legislative immunity ay may kondisyon na ilalahad niya ang buong katotohanan.

Giit ni Lacson, agad na tatanggalin ang immunity sakaling mapatunayang nagsinungaling si Mendoza.

Kahalintulad din ito ng kondisyon na ipinataw sa dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, na una nang binigyan ng legislative immunity ng komite.

About The Author