dzme1530.ph

Partnership ng bagong liderato ng Kamara at Senado, inaasahang magiging excellent

Loading

Excellent partnership ang inaasahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pagluklok kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Inilarawan ni Sotto na very good choice si Dy dahil sa kanyang malinis na record mula nang siya ay vice mayor hanggang maging mayor, vice governor at congressman.

Sinabi ni Sotto na personal niyang kilala si Dy dahil orihinal itong mula sa Nationalist People’s Coalition o NPC.

Aminado rin si Sotto na hindi na siya nasorpresa sa palitan ng liderato sa Kamara dahil naipaalam na sa kanya ng ilang kaibigan sa Kamara ang aktibidad.

Posible naman aniya na magkaroon sila ng pagpupulong ni Dy sa mga susunod na araw upang talakayin ang kanilang magiging direksyon.

About The Author