![]()
Ide-deklara bilang “crime scenes” ang mga guni-guni at palpak na flood control projects na nadiskubre sa La Union upang hindi mapasok nang walang pahintulot.
Pahayag ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na tumatayong special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Magalong, i-se-secure nila ang lugar at kakasuhan ang sinumang papasok dito nang walang pahintulot.
Ginawa ng ICI adviser ang pahayag matapos inspeksyunin nila at ni Public Works Secretary ang flood control projects sa mga bayan ng Bauang at Tubao.
Ipinag-utos din ni Magalong ang suspensyon ng mga proyekto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
								