dzme1530.ph

VP Sara, pumalag sa independent commission ni PBBM kontra korapsyon

Loading

Nagtataka si Vice President Sara Duterte kung bakit kailangan pang bumuo ng independent commission si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para imbestigahan ang korapsyon sa gobyerno.

Sa ambush interview matapos ang budget hearing, sinabi ng pangalawang pangulo na alam na umano ng Pangulo ang kurapsyon sa budget noon pa man ngunit wala itong ginagawa.

Giit ni Duterte, kung seryoso si Marcos na sugpuin ang nakawan sa pamahalaan, dapat ay sinampahan na lang ng kaso ang mga sangkot at hindi na dumaan pa sa Independent Commission for Infrastructure.

Dagdag pa nito, alam din ng Pangulo ang isyu ng korapsyon sa hanay ng mga kongresista. Aniya, kung may dapat sisihin, si Marcos pa rin dahil ito ang pumili sa speaker na umano’y pinuno ng mga nagsamantala sa budget.

About The Author