![]()
Nagalit si DPWH Secretary Vince Dizon matapos personal na makita ang flood control project sa Barangay Acao, Bauang, La Union na tinawag nitong “super substandard” dahil sa mahihinang materyales.
Bagaman idineklara itong tapos noong Marso 2024, lumabas sa inspeksyon na hindi pa kumpleto ang proyekto.
Giit ni Dizon, mistulang “props” lamang ang konstruksyon at pakitang-tao ang pagkakabit ng mga materyales.
Nanindigan ang kalihim na pananagutin ang mga responsable sa anomalya.
Kasama sa inspeksyon si Baguio City Mayor at ICI Special Adviser Benjamin Magalong, bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang maayos at epektibong implementasyon ng flood mitigation projects ng DPWH.

