Hindi na maalala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangyayari, lugar, at maging mga miyembro ng kanyang pamilya, ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.
Kasabay nito, humiling ang kampo ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) na i-adjourn indefinitely ang lahat ng legal proceedings laban kay Duterte.
Paliwanag ni Kaufman, nawalan na ng kapasidad ang walumpung taong gulang na dating pangulo na makapag-isip nang maayos, kakayahang kailangan para maisagawa ang kanyang depensa.
Sinabi rin ng abogado na maging ang dahilan ng pagkakakulong ng kanyang kliyente ay hindi na nito maiproseso.
Una nang ipinagpaliban ng ICC ang confirmation of charges hearing laban kay Duterte na itinakda sa Setyembre 23, matapos igiit ng kanyang depensa na “not fit to stand trial” na ang dating pangulo.