dzme1530.ph

Biglaang pagsibak kay Torre, inaasahang walang magiging epekto sa trabaho ng PNP

Loading

Tiwala si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi makakaapekto sa pagganap sa tungkulin ng mga pulis para sa kapayapaan at kaayusan ang biglaang pagsibak kay Police General Nicolas Torre III.

Aminado si Escudero na tulad ng marami, ikinagulat niya ang biglang pag-relieve kay Torre sa puwesto at wala siyang nalalaman sa dahilan ng pagkakasibak rito.

Umaasa naman ang Senate President na hindi maaapektuhan ang morale ng kapulisan sa nangyari dahil sa huli ay nagsisilbi sila ayon sa kagustuhan ng Presidente.

Sinabi naman ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na floating status ngayon sa opisina ng PNP chief si Torre dahil na-relieve lang naman ito sa puwesto at hindi sa pagiging 4-star general.

About The Author