Kinumpirma ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Legarda Leviste ang pagsasampa ng kaso laban kay DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.
Sa official statement ng tanggapan ni Leviste, bukas August 26, isasampa ang kaso sa Batangas Provincial Prosecutor Office.
Hindi aniya dapat kinukunsinte ang ano mang uri ng kurapsyon sa DPWH.
Kailangan din umanong i-demand ng taumbayan ang maayos na proyekto at obligahin ang mga contrators na itama ang ano mang pagkukulang sa kanilang ginawang proyekto ng walang karagdagang kabayaran.
Una nang nabalita na tinangka umanong suhulan ng District Engineer ang kongresista nang makita sa isinagawa nitong inspeksyon ang kulang kulang at substandard na proyekyo partikular ang flood control.
Matapos na kausapin diumano ni Calalo si Leviste, nag-alok ito ng malaking pera kapalit ng pagtalikod sa gagawing imbestigasyon dahilan para ipa-entrap ito ng kongresista.