dzme1530.ph

DPWH may P165-B unobligated funds —DBM

Loading

Sa kabila ng pagkakaroon ng isa sa may pinakamalaking budgets noong 2024, aabot sa ₱165 bilyon ang unobligated funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH), batay sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ang unobligated fund ay tumutukoy sa pondong na-release na sa ahensya subalit nananatiling hindi nagagamit.

Sa isinagawang agency performance review, in-assess ng DBM ang kakayahan ng mga ahensya na pangasiwaan at gastusin ang kanilang budget.

Noong 2024, nasa ₱1.4 trilyon ang available na pondo ng DPWH na nagmula sa regular appropriations, unprogrammed funds, transferred funds mula sa ibang ahensya, at natirang pondo noong 2023.

Sa kabuuan, nasa ₱1.2 trilyon ang nagamit ng DPWH, dahilan para bumaba sa 11.8% ang unobligated fund rate.

Dahil dito, binigyan ng DBM ng “satisfactory” rating ang DPWH.

About The Author