Hawak na ng Philippine National Police ang suspek sa pagbaril at pagpatay kay Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso kaninang umaga.
Ayon sa Ibajay Municipal Police Station, inaalam pa ang motibo ni Konsehal Mihrel Senatin sa pamamaril.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa 9mm na baril na ginamit ng suspek.
Tinamaan si Estolloso sa kaliwang balikat, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Dagdag pa ng pulisya, bago ang insidente ay humihingi umano ng kopya ng lahat ng ordinansa sa mga konsehal ang bise alkalde nang lapitan ito ng suspek at pagbabarilin.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dakong 10:23 ng umaga.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Updated)