dzme1530.ph

Rep. Tinio, hiling ang imbestigasyon sa bilyong pisong gaming investments ng GSIS

Loading

Iminungkahi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na imbestigahan din ng Kamara ang nabulgar na bilyong pisong gaming investments ng Government Service Insurance System o GSIS.

Para kay Tinio, pagtataksil sa tiwala ng bayan ang paggamit ng GSIS sa retirement funds ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Hindi matanggap ng House Deputy Minority Leader na inilagak ang P1.45-billion GSIS contributions sa gambling operations na sumisira sa maraming pamilya.

Sa susunod na linggo maghahain ng resolusyon ang Makabayan bloc para makapag-imbestiga kung paano pinayagan ang nasabing investment at kung may kumita o nakinabang dito.

About The Author