dzme1530.ph

GSIS, hinikayat na makiisa sa imbestigasyon sa online gambling investment

Loading

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Government Service Insurance System (GSIS) na makipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay ng inilagak nitong puhunan sa isang online gambling platform.

Ayon kay Gatchalian, mahalagang linawin ng GSIS ang isyu upang mapanatili ang tiwala at masiguro ang financial security ng mga miyembro nito.

Giit ng senador, dapat maingat at masusing busisiin ang usapin, lalo’t ang mga institusyong pampamahalaan, gaya ng GSIS, ay may tungkuling pangalagaan ang pinaghirapang kontribusyon ng mga kawani ng gobyerno.

Hindi aniya katanggap-tanggap na isinusugal ng GSIS ang pera ng mga guro, pulis, healthcare workers, at iba pang lingkod-bayan sa isang industriyang posibleng magdulot ng kapahamakan sa mamamayan.

About The Author