dzme1530.ph

Hamon ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte na sumailalim sa follicle drug test ang mga halal na opisyal, binweltahan ng Kamara

Loading

Ibinato pabalik ng ilang kongresista kay Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang hamon na sumailalim sa follicle drug test ang mga halal na opisyal.

Ayon kina Zambales Rep. Jay Khonghun at Manila Rep. Joel Chua, kung talagang seryoso si Baste sa kampanya kontra droga, unahin muna niyang isailalim sa drug test ang mga empleyado ng Davao City Hall.

Ito’y kasunod ng drug test na isinagawa ng Davao City Anti-Drug Abuse Council kung saan 37 empleyado mula sa Public Safety and Security Office ang nagpositibo sa random drug test.

Hamon pa ni Chua, kung nais ni Baste na pag-usapan ang accountability, dapat siyang maging halimbawa at pangunahan ang drug testing sa Davao City, at isapubliko ang resulta.

Matatandaang kumasa si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III sa hamon ni Baste na magsuntukan sila, subalit umatras ito sa itinakdang laban at sa halip ay muling naglatag ng kondisyon.

About The Author