dzme1530.ph

PBBM, nagpahayag ng pag-aalala sa Thailand-Cambodia conflict

Loading

Nagpahayag ng pangamba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bakbakan ng dalawang karatig-bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia, ang Cambodia at Thailand.

Sa isang opisyal na pahayag mula sa Office of the President, hinikayat ng Pangulo ang dalawang kapwa miyembro ng ASEAN na resolbahin ang alitan sa paraang naaayon sa international law at sa mapayapang talakayan.

Kasunod nito, tiniyak ng Pangulo na nakahanda ang Pilipinas na umasiste sa dalawang panig upang mapanumbalik ang kapayapaan sa rehiyon.

 

About The Author