dzme1530.ph

Short-term at long-term consequences ng ruling ng SC sa impeachment case laban kay VP Sara, ikinabahala

Loading

Labis ang pagkadismaya ni Senador Risa Hontiveros sa ruling ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang senador sa posibleng maging short-term at long-term consequences ng naturang ruling.

Nagtataka ang mambabatas sa sinasabing paglabag sa one-year bar rule gayung iisang kaso lang ang naiakyat sa Senado at ayon ito sa desisyon ng Korte Suprema sa Gutierrez vs House of Representatives.

Batay na rin aniya sa paliwanag ng Supreme Court sa kanilang desisyon, ikinunsidera sa one-year bar rule ang element of time at hindi sa bilang ng reklamo.

Umaasa na lamang si Hontiveros na ang ruling na ito ay hindi magkakaroon ng masamang epekto sa mga pagsisikap sa hinaharap na mapanagot ang mga public officials na nagkasala.

About The Author