dzme1530.ph

Speaker’s office at TINGOG Party-list, naglunsad ng relief ops sa NCR at Rizal

Loading

Naglunsad ng sabayang relief operations ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at TINGOG Party-list sa mga lugar na matinding binaha sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Namahagi ang mga ito ng hot meals sa mga residenteng apektado ng bagyong Crising at habagat sa Quezon City, Marikina, Maynila, Taytay, at Rodriguez.

Umabot sa halos 17,000 indibidwal ang nabigyan ng tulong.

Ayon kina TINGOG Party-list Reps. Jude Acidre at Yedda Marie Romualdez, layunin ng grupo na maiparating agad ang suporta sa mga komunidad tuwing may krisis o kalamidad.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa lahat ng volunteers na tumulong sa operasyon. Giit naman ni Rep. Acidre, hindi lang pagkain ang dala nila kundi mensahe ng pag-asa, na sa gitna ng sakuna, may maaasahan ang taumbayan.

Kasunod ng pamamahagi ng ayuda, magsasagawa rin ng cleanup operations ang grupo sa mga apektadong lugar.

About The Author