dzme1530.ph

Komprehensibong hakbang ng gobyerno laban sa pagbaha, muling ipinananawagan

Loading

Sa gitna ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa, muling nanawagan si Sen. Joel Villanueva para sa pinagsama-samang hakbang mula sa pamahalaan.

Ayon sa senador, tila sirang plaka na ang kanyang paulit-ulit na panawagan para sa isang comprehensive at integrated flood control program, ngunit tila walang tunay na pagbabagong nararamdaman ang mamamayan.

Muling binanggit ni Villanueva na halos ₱1.4 bilyon kada araw ang ginagastos ng pamahalaan sa flood control programs, ngunit nananatiling laganap ang baha, lalo na sa kanyang lalawigan sa Bulacan.

Hinimok din ng senador na silipin ang mga feasibility studies na taon-taon ding pinopondohan, kung ito ba ay naaayon at naipapatupad nang tama, at kung epektibo ang disenyo ng mga flood control projects sa aktwal na sitwasyon.

Isa pa sa mga binigyang-diin ni Villanueva ay ang problema sa waste management, na malaki rin aniya ang epekto sa lalim at tagal ng pagbaha sa mga urban area.

Dahil dito, nanawagan ang senador para sa inter-agency coordination sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang makabuo ng “whole-of-government approach” sa paglutas ng krisis sa baha.

About The Author