dzme1530.ph

Mahigit 100K konsyumer sa NCR, wala pa ring kuryente dahil sa habagat —Meralco

Loading

Umabot na sa 118,000 electric consumers sa National Capital Region at mga karatig-probinsiya ang nananatiling walang suplay ng kuryente dahil sa mga pagbaha dulot ng habagat.

Ayon sa Meralco, as of 10 a.m., nasa 88% ng mga apektadong konsyumer ang lubog pa rin sa baha, habang nasa 11% naman ang nasa “ongoing restoration” stage.

Sa kabuuan, nasa walong milyong Meralco consumers ang naapektuhan ng interapsyon sa serbisyo ng kuryente dahil sa masamang lagay ng panahon.

About The Author