dzme1530.ph

Ilang domestic at international flight, kanselado sa gitna ng masamang panahon

Loading

Kanselado na ang ilang domestic at international flights ngayong umaga dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga kanseladong flight ay ang mga sumusunod:

Cebu Pacific:

5J 744: Manila to Hanoi

5J 745: Hanoi to Manila

5J 747: Hanoi to Manila

5J 901: Manila to Caticlan

5J 902: Caticlan to Manila

 

Philippine Airlines:

PR 593: Manila to Hanoi

PR 594: Hanoi to Manila

 

Samantala, na-divert naman sa Clark International Airport ang flight CEB193 mula Cauayan to Manila.

Na-divert din sa Iloilo Airport ang flight ng AirAsia na APG608 mula Bacolod to Manila.

Isang private flight mula Mactan patungong Manila ang napilitang bumalik sa Mactan Airport dahil sa masamang lagay ng panahon.

Umabot sa 2,160 na pasahero ang apektado ng mga kanselasyon at diversion ng mga flight.

Muling pinapayuhan ng CAAP ang mga pasahero na direktang makiugnay sa kanilang airlines bago magtungo sa paliparan.

About The Author