dzme1530.ph

PH Embassy sa Vietnam, nagbabala sa mga Pinoy kaugnay ng Bagyong Wipha

Loading

Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Vietnam ang mga Pilipino, partikular sa hilagang bahagi ng bansa, na maging alerto sa posibleng epekto ng papalapit na Bagyong Wipha.

Ang bagyong ito ang siyang tumama kamakailan sa Pilipinas bilang Bagyong Crising, at inaasahang magla-landfall sa Vietnam ngayong umaga.

Hinimok ng embahada ang mga Pilipino na maging mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at maging handa sa anumang maaaring idulot ng masamang panahon.

Pinayuhan din ang publiko na regular na makinig sa mga ulat-panahon at agad na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad para sa tulong at kaligtasan.

Tiniyak ng embahada na nakahanda na ang mga suplay ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga Pilipinong posibleng maapektuhan ng bagyo.

About The Author