dzme1530.ph

Pulis na pumara sa truck matapos businahan, sinibak sa pwesto

Loading

Sinibak sa pwesto ang ilang pulis Pampanga matapos masangkot sa isang viral video kung saan sila’y nakuhanan ng mainit na komprontasyon sa isang truck driver.

Ayon kay PNP Regional Director PBGen. Ponce Peñones Jr. ng Police Regional Office 3, pinara ng mga pulis ang naturang truck matapos itong mag-U-turn at businahan ang police mobile. Nagresulta ito sa tensyonado at mainit na palitan ng salita sa pagitan ng mga pulis at truck driver.

Aminado ang pamunuan ng PNP na dapat ay hinaharap nang may paggalang ang ganitong mga insidente.

Dahil dito, agad na ni-relieve sa puwesto ang mga sangkot na pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak ni Gen. Peñones sa publiko na papatawan ng karampatang parusa ang mga mapatutunayang nagkasala, at nanindigan ang PNP sa paghahatid ng tapat at makataong serbisyo.

About The Author