Nadagdagan ang populasyon ng Pilipinas ng mahigit tatlong milyon sa huling apat na taon, batay sa 2024 census data na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Proclamation 973 ni Pangulong Marcos, nakasaad na mayroong 112,729,484 Filipinos as of July 1, 2024.
Mas mataas ito ng 3.69 million mula sa 109,035,343 na mga Pinoy noong May 1, 2020, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority.
Sa ilalim ng Batas Pambansa 72, ang final population count ay dapat ikonsiderang opisyal para sa lahat ng layunin sa pamamagitan ng proklamasyon ng Pangulo.