dzme1530.ph

82 patay, 40 nawawala sa flash floods sa Central Texas; malawakang paghahanap nagpapatuloy

Loading

Umabot na sa 82 ang nasawi, kabilang ang 28 bata, sa malawakang flash floods sa Central Texas, partikular sa Kerr County.

Ayon sa mga otoridad, mahigit 40 katao pa ang nawawala, kabilang ang mga bata mula sa isang Christian youth camp sa malapit sa Guadalupe River.

Patuloy naman sa operasyon ang mahigit 1,700 rescuers gamit ang helicopters, bangka, at drones.

Naapektuhan din ng baha ang Travis at Tom Green County.

Nagdeklara na si US President Donald Trump ng federal disaster at planong bumisita sa lugar.

Tiniyak naman ni Gov. Greg Abbott ang patuloy na tulong ng estado.

About The Author