dzme1530.ph

J-Hope ng BTS, napansin ang ‘Killin’ It Girl’ dance cover ni AC Bonifacio

Loading

Walang mapagsidlan ng kanyang tuwa ang actress-dancer na si AC Bonifacio matapos mapansin ng K-pop superstar na si J-Hope ang dance cover niya ng ‘Killin’ It Girl’ na kanta ng BTS member.

Tila na-impress si J-Hope sa dance skills ni AC, kaya nag-comment ito sa TikTok video ng Pinay dancer gamit ang emojis.

Sa sobrang tuwa ni AC sa unexpected notice, agad itong tumugon sa comment ni J-Hope at nag-“I love you.”

Sa pamamagitan naman ng Instagram ay ibinahagi ng actress-dancer ang magandang balita sa kanyang followers.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nabaling ang atensyon ni J-Hope sa isang Pinay, dahil nakagawa na ito kasama si Niana Guerrero ng ‘Mona Lisa’ dance collaboration.

About The Author