dzme1530.ph

Comelec, inilunsad ang online submission platform para sa SOCE

Loading

Maaari nang magsumite ang mga kandidato sa eleksyon ng kanilang Statements of Contribution and Expenditures (SOCEs) sa pamamagitan ng online.

Kahapon ay inilunsad ng Comelec ang platform na Project SURI o Siyasatin, Unawain, Resolbahin, at Ipanagot, bago ang full implementation para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oct. 13.

Dati ay inihahain ang SOCEs nang mano-mano, na isinusumite sa Comelec Main Office para sa national candidates at party-lists, o sa Comelec office kung saan inihain ng mga lokal na kadidato ang kanilang Certificates of Candidacies.

Ayon kay Comelec Commissioner Nelson Celis, Head ng Digitalization program ng komisyon, na layunin ng platform na gawing moderno ang campaign finance management upang matiyak ang transparency at accountability.

About The Author