dzme1530.ph

Vehicle load limit sa San Juanico Bridge, pinatataasan

Loading

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na itaas sa 12 tons ang load limits, ng San Juanico Bridge, pagsapit ng buwan ng Disyembre ngayong taon.

Kaugnay nito, hinamon ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal na mangangasiwa sa pagsasaayos ng tulay, na tapusin ang konstruksyon, dahil kung hindi ay, handa nitong tanggapin ang resignation ng mga ito.

Humingi naman ng tawad ang Pangulo sa mga residente ng Samar at Leyte, na apektado ng nagpapatuloy na rehabilitasyon.

Tiniyak ng Chief Executive na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan, upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

About The Author