Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japanese tourism partners, ngayong Biyernes, bilang bahagi ng kanyang working visit sa Japan.
Sa meeting kasama ang Tourism stakeholders, binigyan ang Pangulo ng overview sa key interests at opportunities para sa Philippine Tourism sa Japan.
Inilatag ng stakeholders ang mahahalagang bahagi ng turismo, kabilang ang industry associations, travel and tour companies, airlines at airports.
Sinabi ni Tourism Sec. Christina Frasco, na binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pagsasa-prayoridad sa paglago ng turismo sa tulong ng imprastraktura.
Binanggit din aniya ng Pangulo ang development ng airports sa Metro Manila at sa iba pang mga rehiyon.