dzme1530.ph

Pangulong Marcos, suportado ang NCAP

Loading

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon sa Pangulo, maganda ang layunin ng polisiya, na magkaroon ng disiplina ang mga motorista at sumunod sa batas-trapiko.

Sinabi rin ni Marcos na nakatutulong ang NCAP para mabawasan ang korapsyon na kinasasangkutan ng law enforcers at mga motorista.

Ang NCAP ay gumagamit ng CCTV, digital cameras at iba pang mga gadgets o teknolohiya para makuhanan ng video o larawan ang mga sasakyang lumabag sa traffic laws.

Sa ilalim ng polisiya, maaring bayaran ng violators ang kanilang multa sa pamamagitan ng online o sa mismong opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

About The Author