dzme1530.ph

97 bagong halal na kongresista, dadaan sa orientation bago ang pagsisimula ng kanilang termino

Loading

Dadaan muna sa orientation ang 97 mga bagong halal na kongresista, isang linggo bago magsimula ang kanilang termino.

Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, 69 ng mga bagong halal ay district representatives, habang 28 ay kinatawan mula sa party-list groups.

Hindi naman limitado lang sa mga first termer ang isasa-gawang Executive Course on Legislation, dahil bukas din ito sa mga dati ng mambabatas subalit humawak na ng ibang pwesto.

Tuturuan sila ng tamang proseso sa paggawa ng batas, at ipapaunawa ang House rules na mahalagang maunawaan ng mga kongresista.

Dahil sa madami ang bilang ng mga bagong mambabatas, hahatiin sa dalawang batch ang lectures at orientation.

First batch ay sa June 23 hanggang 25, habang ang ikalawang batch ay sa July 7 hanggang 9.

May mga inimbitahan ding incumbent congressmen para magbahagi ng kanilang karanasan sa legislation, mga patakaran sa Kamara at Q&A o question and answer.

About The Author