dzme1530.ph

DFA, planong itaas ang alert levels sa Iran at Israel

Loading

Plano ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang alert levels sa Iran at Israel, ngayong pumasok na sa ika-anim na araw ang umiigting na hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa sandaling lumabas ang desisyon, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na maaring “pansamantalang” itaas ng ahensya sa Level 3 (voluntary repatriation phase) ang alerto sa Israel, mula sa Level 2 (restriction phase).

Samantala, ang plano naman para sa Iran na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 (precautionary phase), ay iaakyat ang babala sa “voluntary repatriation phase.”

Isiniwalat din ni de Vega ang plano na i-pull out ang non-essential personnel sa Philippine Embassy sa Tehran.

About The Author