dzme1530.ph

Epekto ng Israel-Iran conflict sa bansa, bubusisiin ng Senado

Loading

Maghahain ng resolution si Sen. Sherwin Gatchalian na magsusulong ng pagbusisi sa epekto ng girian ng Israel at Iran sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na layon nito na makabuo ng mga posibleng aksyon at desisyon upang matugunan ang mga problemang dulot ng giyera.

Partikular na tinukoy ng senador ang epekto nito sa Overseas Filipino Workers, presyo ng produktong petrolyo, gayundin sa electricity rates lalo na sa mga off-grid areas.

Iginiit ng senador na sa pamamagitan ng pagbusising ito ay mapapalakas ang kahandaan ng bansa, matitiyak ang patuloy na suplay ng enerhiya at mapo-protektahan ang mga consumer sa pagtaas ng mga bayarin.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kahandaan ang sandata sa kawalang-katiyakang dulot ng giyera sa pagitan ng Israel at Iran.

About The Author