dzme1530.ph

Publiko, hinimok na maging vigilante pa rin sa mga kaso ng dengue

Loading

Bagama’t bumababa ang naitatalang kaso ng dengue sa bansa, nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga paaralan at komunidad na manatiling vigilante at masigasig sa pagpapatupad ng mga hakbang laban sa sakit, lalo na ngayong tag-ulan.

Ayon kay Gatchalian, kailangang paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang kampanya kontra dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok at pagsasagawa ng fogging sa mga lugar na mataas ang panganib.

Hinimok din niya ang mga paaralan na aktibong itaguyod ang paggamit ng mosquito repellent at ang pagsusuot ng proteksiyong kasuotan upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral.

Mahalaga aniya ang kahandaan ng mga ospital pero mas importante pa rin na mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng dengue.

Idinagdag pa ng senador na hindi dapat maging kampante ang publiko sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, dahil nananatili pa rin ang banta ng sakit sa panahon ng tag-ulan.

About The Author