dzme1530.ph

Pagpapainhibit sa ilang senator-judge sa impeachment laban kay VP Sara, posibleng magpatagal pa sa proseso

Loading

Nagbabala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na posible pang makapagpabagal sa proseso ng impeachment ang pagpapainhibit sa ilang senator judges na nakitaan ng pagkiling o pagkontra kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Pimentel na hindi siya pabor sa mga panawagang pag-iinhibit dahil maaari rin itong magdulot ng usaping legal.

Magiging pabor din aniya sa Bise Presidente kung may mga mag-inibit na senator-judge.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kailangan kasi ng 2/3 o 16 na senador na magsabing guilty si VP Sara bago siya maconvict kaya’t ang mga mag-iinhibit ay posibleng maibilang sa acquittal.

Una na ring nagbabala si Pimentel sa mga nais magsampa ng kaso sa Korte Suprema.

Iginiit ng outgoing senator na anumang kaso kaugnay sa impeachment process ay maaaring magdulot ng delay sa proseso lalo na kung maglabas ng desisyon ng Supreme Court pabor sa mga nagreklamo.

About The Author