dzme1530.ph

3 ahente ng NBI, sinuntok ng Tsino sa gitna ng entrapment operation                                                   

Loading

Suntok ang inabot ng tatlong tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos magwala ang Tsino na kanilang inaaresto sa isang entrapment operation sa Parañaque City.

Nangyari ang insidente laban sa mga miyembro ng NBI Criminal Intelligence Division sa loob ng isang gusali sa nabanggit na lungsod.

Sa video, isang NBI Agent ang napaatras matapos suntukin sa mukha ng isa sa mga lalaking Chinese.

Nahirapan ang mga awtoridad na dakpin ang Tsino matapos itong manlaban makaraang arestuhin ang kanyang kasamahan, bunsod ng umano’y pagtatago ng passport ng complainant.

About The Author