dzme1530.ph

Palasyo, binalaan ang government officials laban sa pagsusumite ng maling accomplishment reports

Loading

Nagbabala ang Malakanyang na posibleng maparusahan ang mga opisyal ng pamahalaan na mabibigong ipaliwanag ang discrepancies sa kanilang project accomplishment reports.

Ito’y matapos ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na minsan ay nakatatanggap siya ng accomplishment reports ng government projects na hindi tugma sa aktwal na estado ng mga proyekto.

Sa briefing, binigyang diin ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro na hindi kukunsintihin ng administrasyon ang mga maling gawain.

Idinagdag ni Castro na wala silang pangangalanan, subalit kung ang opisyal ay bigong maipaliwanag nang maayos ang kanyang report kung bakit hindi tugma sa katotohanan, marahil ay dapat na nitong tahakin ang daan palabas.

 

 

 

About The Author