Ipinakilala na ang magsisilbing spokesperson ng House prosecution panel para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa katauhan ito ni Atty. Antonio Audie Bucoy, litigation lawyer sa nag-daang 41 years, at nagtapos ng abogasiya sa University of the Philippines College of Law noong 1984.
Isa rin itong corporate at remedial law professor, at Managing Partner ng Bucoy Poblador and Associates Law Offices, na bihasa sa corporate at tax, trial at appellate litigation.
Kasapi rin si Atty. Bucoy ng FLAG o Free Legal Assistance Group mula pa noong 1980, at ng MABINI o Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity, and Nationalism, Inc..
Ang FLAG at MABINI ay assosasyon ng human rights and public interest lawyers sa bansa.
Nilinaw naman ni Atty. Bucoy na ‘pro bono’ o walang bayad ang magiging serbisyo nito sa impeachment proceedings dahil para sa bayan ang nag-udyok sa kanya na tanggapin ang trabaho ng pagiging tagapagsalita.